Ibinabala ng Commission on Elections o COMELEC sa Korte Suprema na posible itong gumastos ng hanggang dalawang bilyong piso.
Ito’y sakaling ipag-utos ng High Tribunal ang re-count o muling pagbibilang ng boto kaugnay sa inihaing electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Batay sa isinumiteng manifestation ng COMELEC, sinabi nito na aabot sa mahigit siyamnapu’t pitong libong (97,000) vote counting machines na inarkila sa Smartmatic ang dapat bayaran ng nasabing halaga sakaling ipag-utos ang muling pagbubukas sa mga ito.
Magugunitang bigong aksyunan ng Supreme Court na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang protestang inihain ni Marcos hangga’t hindi pa nasusunod ng COMELEC ang kautusang ingatan ang lahat ng election machines at paraphernalias na ginamit nuong 2016 presidential elections.
By Jaymark Dagala