Pinag-aaralan pa lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang magagastos para sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi pa nila tukoy ang expenditure plans sa pondo na ilalaan ng pamahalaan para sa BBL.
Dagdag pa ni Diokno, bagaman suportado nila ang BBL, kinakailangan pa nilang iproseso ang gastusin at pag-aralan kung saan kukunin ang pondo.
Nakadepende umano ang kailangang pondo sa laki ng lugar o bayan na masasakop ng BBL.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapalabas na lamang siya ng executive order kung walang maipapasang BBL ang Kongreso.
Habang tiniyak ni Sub – Committee on the BBL Chairman Senador Juan Miguel Zubiri na aaprubahan nila sa Senado ang BBL kung saan target nila itong maipasa sa Marso bago mag – break ang sesyon ng Kongreso.