Sasaguting lahat ng HTI o House Technology Industries ang lahat ng gastos sa pangangailangan ng mga biktima ng pagkasunog ng kanilang pabrika sa EPZA o Economic Processing Zone sa Cavite.
Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, ito ang dahilan kayat hindi na niya itinuloy ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa sunog.
Sinasabing posibleng umabot sa sampung (10) bilyong piso ang halaga ng pinsala ng sunog sa HTI.
Bahagi ng pahayag ni Cavite Governor Boying Remulla
Samantala, tatlo pa anya sa mahigit isandaan (100) kataong nadala sa ospital ang nananatili sa kritikal na kundisyon samantalang labing tatlo (13) pang empleyado ng HTI ang nawawala.
Bahagi ng pahayag ni Cavite Governor Boying Remulla
Kaugnay nito, hirap ang mga bumbero na patayin ang sunog sa HTI o House Technologies Industries sa Epza, General Trias, Cavite na mahigit 24 oras nang lumiliyab.
Sinabi ni Senior Supt. Sergio Soriano ng BFP o Bureau of Fire Protection na maraming plywood na nakaimbak sa gitna ng pagawaan at biglang nagniningas ang mga ito.
Tiniyak naman ni Soriano na mayroong sapat na tubig ang mga bumbero na idine-deploy sa tatlong shift at kanila nang pinag-aaralan ang paggamit ng helicopters para makatulong sa pag-apula ng apoy sa gitna ng factory.
Sa ngayon, wala pa aniya silang naamoy na labi na posibleng kasamang nasusunog ng pagawaan.
Bahagi ng pahayag ni Senior Supt. Sergio Soriano ng BFP
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview) | Katrina Valle | Balitang Todong Lakas (Interview)