Walang kahit isang sentimong ilalabas na pondo ang gobyerno sa pag-a-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ito ang nilinaw ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa gitna ng ikinakasang importasyon bilang solusyon sa pagnipis ng stockpile ng nasabing produkto sa bansa.
Ayon kay SRA administrator Hermenegildo Serafica, mga pribadong trader naman ang gagastos sa pag-a-angkat.
Sa sandali anyang aprubahan ang plano ay agad na ilalarga ang pag-a-angkat ng tone-toneladang asukal.