Pumapalo na sa halos 200 milyong piso ang nagagastos ng COMELEC o Commission on Elections bilang paghahanda sa SK at barangay elections.
Ipinabatid ito ni Zita Buena-Castillon, Finance Director ng COMELEC sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.
Sinabi ni Castillon na sa 1. 3 million pesos sa nasabing halaga ay ginastos na sa iba pang bagay.
Nasa 6 bilyong piso pa ang natitirang budget ng COMELEC para sa SK at barangay elections.
Ayon naman kay COMELEC Commissioner Arthur Lim, August 9 nang magsimula silang mag-imprenta ng mga balota na nasa halos 14,000 na.
By Judith Larino