Maliban sa nagtataasang presyo ng mga bilihin, lalo ng pagkain, namemeligro na ring lumaki ang gastos sa pagpapagamot ni Juan at Juana Dela Cruz ngayong taon.
Batay sa survey ng WTW Global Medical Trends survey, inaasahang sasampa sa 18.3% ang medical cost sa pilipinas ngayong taon, ang ikalawang pinaka-mataas sa Asia-Pacific, kasunod ng Indonesia.
Kabilang sa itinurong dahilan ng mataas na gastos sa pagpapagamot ang pagdami ng mga nangangailangan o nag-a-avail ng health services, lumalaking hospital at clinic costs, maging ang mas mahal na professional fees at madalas na pagkakasakit.
Bukod dito, nag-triple na rin o lumobo sa 4.2 billion pesos ang lugi ng health maintenance organization industry sa pilipinas noong 2023 kumpara sa 1.4 billion noong 2022 bunsod ng dumaraming binabayarang claims at benefits.
Para matugunan ang lumalaking utilization, inadjust na ng HMO presyo ng kanilang serbisyo taon-taon.