Nanindigan si Vice President Jejomar Binay na hindi galing sa pondo ng Office of the Vice President ang ipinanggagastos niya sa kanyang mga political advertisement.
Giit ni Binay, nagmumula sa kanyang sariling bulsa ang perang ginagamit niya rito habang ang ibang pondo naman ay tulong ng kanyang mga supporter.
Matatandaang sinabi ng mga eksperto na hindi biro ang ginagastos ng mga tumatakbong pulitiko, lalo na para sa mga presidentiable.
Kaya naman ang COMELEC ay dati na ring nagtakda ng limitasyon sa halaga ng mga gagastusin tuwing halalan.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco