Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na kanilang sasagutin ang gastusin sa pagpapalibing ng 77 anyos na residente ng lungsod na nasawi sa inorganisang community pantry ng aktres na si Angel Locsin.
Sa isang pahayag, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, na kanilang ikinalungkot ang pagpanaw ng naturang senior citizen.
Dagdag pa ni Belmonte na maliban sa pagpapalibing, ay mag-aabot din ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal para sa naulilang pamilya nito.
Mababatid na habang nakapila ang biktima na si Rolando Dela Cruz sa naturang inorganisang community pantry ng aktres sa bahagi ng Barangay Holy Spirit ay inatake ito sa puso at agad na idineklarang dead on arrival nang dalhin sa pagamutan.