Kumbinsido ang kampo ni Senador Grace Poe na hindi naniniwala ang publiko sa mga black propaganda at sunud-sunod na disqualification case laban sa mambabatas.
Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, Spokesman ni Poe matapos manatiling numero uno ang senadora sa hanay ng mga presidentiable sa latest Pulse Asia survey.
Ayon kay Gatchalian, patunay lamang ito na mas nakatutok ang publiko sa adbokasiya ni Poe.
Kung titingnan anya ang petsang isinagawa ang survey ay saklaw na nito ang panahon ng sunud-sunod na disqualification case ni Poe sa Commission on Elections (COMELEC).
Dagdag ni Gatchalian, magsisilbi ring inspirasyon at gabay para kay Poe at sa running mate nitong Senator Chiz Escudero ang magandang resulta ng survey.
By Drew Nacino