Nagpahayag ng pagka-dismaya si Senador Win Gatchalian kaugnay sa hindi pa naibibigay na tulong sa mga apektado ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay Gatchalian, kalahati pa sa 10 milyong pamilya ang hindi pa nakakatanggap ng Unconditional Cash Transfer.
Giit ni Gatchalian, noong dinidinig ang tax reform package ay siniguro ng economic managers na bibigyan agad nila ng tulong ang mga maaapektuhan nito.
Bukod aniya dito, hindi pa rin umano nabibigyan ng fuel vouchers upang makakuha ng diskwento sa gasolina o krudo.