Mas praktikal ang ginawa ng Department of Education (DepEd) para makaraos sa school year na ito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito kay Senate Committee on Basic Education Chair Sherwin Gatchalian bagamat nakukulangan siya sa sistema ng pag-aaral sa kasalukuyang school year.
Kaya nga, sinabi sa DWIZ ni Gatchalian na isinusulong niyang bumalik na sa face-to-face learning para kumpleto ang mga matutunan ng mga estudyante na mayroong epekto sa susunod na level ng knanilang pag-aaral.
Marami talagang hirap. Kaya ako tinutulak ko yung face-to-face learning dahil ito po yung talagang magpapalalim sa pag-aaral ng bata. Kaya kung meron tayong pagkakataong bumalik sa face-to-face [classes], dapat po tayong bumalik. Pero, ang tingin ko itong darating na Mayo, sa pagtatapos po ng pag-aaral natin, marami po talagang hindi malalim, ika nga, alam nila pero hindi po malalim ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang mga paksa. Ito po ay nakakabahala dahil ito po ay makakaapekto po naman sa kanilang mga susunod na pag-aaral,” ani Gacthalian. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais