Sapat, subalit maraming bagay pa ang maaaring mapalakas, para maging epektibo ang paglaban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang pananaw ni Senador Sherwin Gatchalian, sa gitna na rin nang patuloy na pagsirit ng kaso ng c COVID-19 sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Gatchalian na hindi man tuluyang mapigil ang virus , uubra naman aniyang malimitahan ang pagkalat nito.
Kaya nga’t para sa kanya ay dapat palakasin ang contact tracing at hospital capacity.
Talagang mahina po ‘yung contact tracing po natin. Isang tao na ‘yung nakalipas pero tingin ko hindi nag-improve noong ang-umpisa tayo hanggang ngayon. Pangalawa ‘yung ating hospital capacity. Napakahirap pa rin, hindi natin ma-predict, hindi natin makita kung ano yung mangyayari, kaya kung sumisipa po [ang kaso ng COVID-19], lagi tayong kulang pagdating sa kapasidad ng ospital at maraming namamatay sa labas na ng ospital. So, ang ibig sabihin po dito, dapat tulut-tuloy pa rin tayong nagpapatayo ng kapasidad, kahit na ‘yung tinatawag nating field hospital, mga nasa labas po ng ospital, patuloy po tayong magpatayo,” ani Gacthalian. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais