Binalaan ni Senador Sherwin Gatchalian ang Meralco at iba pang distribution utilities ngayong umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang karatig lalawigan.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian hindi tamang maulit na ma-shock ang publiko sa kanilang bill ng kuryente.
Ani Gatchalian nabulaga noon ang publiko sa overestimation at underestimation ng Meralco sa mga nagdaang monthly bills at baka magkaproblema uli ngayong nasa MECQ ang Metro Manila.
Dahil dito kinalampag ng senador ang ERC at DOE para i-monitor ang Meralco at distribution utilities.
Dapat aniya tiyakin ng ERC at DOE na nasusunod ang regulasyon para hindi na naman mapagsamantalahan ang mga consumer sa mga kuwestiyonableng computation.