Pinasalamatan ni Senador Win Gatchalian ang bagong lider ng Kamara na naging daan para agarang maipasa ang pambansang bugdet para sa susunod na taon, kahit pa nagkaroon ng giriin sa liderato nito.
Ayon kay Gatchalian, makatutulong ang agarang pagpapasa ng panukalang budget para magkaroon pa ng sapat na panahon ang Senado para mabusisi at mapag-aralan pa itong mabuti.
We have enough time, nagpapasalamat ako sa ating bagong speaker Lord Velasco at naipasa niya kaagad nung Friday at magta-transmit na sila by next week,” ani Gatchalian.
Pagtitiyak ni Gatchalian, oras na ma-itransmit sa Senado ang house version ng panukalang budget, ay makasisisguro ang publiko na dadaan ito sa butas ng karayom para matiyak na tama ang nilalaman ng higit apat na trilyong pambansang bugdet para sa susunod na taon.
Pagdating sa floor talagang bakbakan yan at umaabot ng napakatagal. Tama lang ‘yon kasi gusto natin masuri ng mabuti, padebatehan ng mabuti at makitang mabuti yung nakapaloob sa ating budget,” ani Gatchalian.