Inihayag ng isang senador ang pagnanais nitong magkaroon ng reporma o pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa partikular sa mga nais na maging guro.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, dapat sa pre-service training pa lamang ay dapat magkaroon na ng dekalidad na edukasyon at pagsasanay ng mga ito.
Dagdag pa ni Gatchalian na isa ang naturang hakbang sa mga lumabas na rekomendasyon sa pagsisiyasat ng Senate Committee on basic education makaraang kilalanin ang krisis sa edukasyon sa bansa.
Kasunod nito, binigyang diin ng senador na napakadaling magdeklara ng krisis sa anumang bagay pero ang mas mahalaga aniyang gawin ay bumuo ng mga hakbang para tugunan ang mga pangangailangan nito.