Pormal nang naghain sa Senado si Sen. Sherwin Gatchalian para imbestigahan ang concession agreements ng mga toll operators sa pamahalaan kasunod ng kapalpakan sa radio frequency identification device (RFID).
Nakasaad sa Senate Resolution No. 587 na nararapat lang na mabusisi ang mandato ng Toll Regulatory Board (TRB) lalo na’t binigyan ito ng kapangyarihang humawak at makialam sa lahat ng toll roads.
Dapat busisiin ang concession agreements ng tollway operators para malaman kung ginagawa ba nila ang kanilang mandato kaugnay ng kanilang kasunduan sa pamahalaan.
Kasabay nito, nanawagan din ang senador ng toll holiday lalo na’t marami pa rin ang nagrereklamong mga motorista laban sa depektibong RFID sensors dahilan ng pagbibigat ng daloy ng trapiko sa mga expressways.