Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na mag-isyu na ng ultimatum sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa sumunod sa mga rekisitos na mag-alok ng mga ‘shares of stock.’
Ayon kasi kay Gatchalian, ito’y nakasaad sa prangkisa ng transmission system operator sa bansa.
Nauna rito, noong Agosto, inihain ng NGCP ang motion for reconsideration para bigyan pa ito ng isang taon para tumalima sa initial public offering (IPO) requirement makaraang ibasura ang kanilang petisyon noong Abril.
Ani gatchalian, duda ito sa hindi pagtugon ng NGCP at wala aniya itong paramdam na susunod talaga sa hinihinging requirements.
Mababatid na sinabi na ni ERC Chair Agnes Devanadera, na may dalawang opsyon ang NGCP para tumalip sa IPO requirement, una sa pamamagitan ng public listing o kaya’y sa pamamagitan ng holding company.