Pinakakasuhan ni Senador Sherwin Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) ang operators ng Fontana Leisure Park sa Clark Freeport Zone.
Matatandaan na isang illegal na clinic para sa mga Chinese nationals na may coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang sinalakay ng otoridad sa Fontana, kamakailan.
Hiniling rin ni Gatchalian sa Clark Development Authority na i-terminate na ang kontrata ng Fontana.
Hindi kumbinsido si Gatchalian sa paliwanag ng Fontana na hindi nila alam na mayroong clinic na nag-ooperate sa kanilang pasilidad.
Bilang mga may-ari at nagpapatakbo ng isang pasilidad, responsibilidad anya ng Fontana na malaman ang lahat ng nangyayari sa kanilang lugar.
Samantala, nagpahayag rin ng pangamba si Gatchalian sa medical waste mula sa illegal clinic dahil COVID-19 patients ang mga nagpapagamot doon.