Muling idinepensa ng Valenzuela City ang pagbibigay ng provisional permit sa nasunog na pagawaan ng tsinelas na ikinasawi ng mahigit 70 katao.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na sa kaso ng Kentex Corporation na nabigyan ng permit ngayong taon ay hindi na umano bumalik sa local government ang Bureau of Fire Protection o BFP makaraan ang inspeksiyon.
Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos kwestiyunin mismo ni Pangulong Noynoy Aquino ang LGU kung bakit na-isyuhan ng business permit ang nasabing kompanya kahit walang fire safety inspection certificate.
“Na-inspect daw sila at may nahanap silang dapat ayusin ng Kentex, kaya lang hindi na nila kami binalikan, hindi nila kami binalikan para i-withdraw yung permit.” Ani Gatchalian.
By Jelbert Perdez | Karambola