Nananatiling nasa krisis ang edukasyon sa bansa.
Ito ayon kay Senador Sherwin Gatchalian ay bagamat nag-sorry na ang World Bank sa ipinalabas nitong report na nagsasabing mahina ang performance ng mga estudyanteng Pilipino.
Sinabi ni Gatchalian, chairman ng senate basic education committee na maraming rekomendasyon mula sa report ng World Bank na maaaring gamitin para makahanap ng solusyon paano mapahusay pa ang pag aaral ng mga estudyante sa bansa.
Personal aniya niyang nabasa ang report ng World Bank at tanggap nya ang kanilang impartial analysis na kailangang pagtuunan ng pansin ang education system.
Inihayag ni Gatchalian na kailangang masolusyunan ang problema sa edukasyon at marami aniyang isinulong ang kanyang komite kung paano mapapahusay ang sistema ng edukasyon sa bansa partikular ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrro 19)