Tutol si Senador Sherwin Gatchalian na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase hangga’t walang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Gatchalian, siguradong mapag-iiwanan na ang mga estudyante ng Pilipinas kung ipagpapaliban lamang ang pagbubukas ng klase nang wala namang gagawing anumang aksyon ang pamahalaan.
Pinuna ni Gatchalian na sa ngayon ay napakababa na ng Pilipinas sa program for international student assessment na tiyak na babagsak pa kung hindi mag-aaral ang mga estudyante.