Umapela si Senador Sherwin Gatchalian kay Vice President at ‘drug czar’ Leni Robredo na huwag tanggalin ang ‘Oplan Tokhang’ bilang bahagi ng drug war ng bansa.
Ayon kay Gatchalian, ang patuloy na pagsuporta ng taong bayan sa ‘Oplan Tokhang’ ang patunay na epektibo ito.
Ang taumbayan gusto ang drug war, almost more than 70 percent, consistent ‘to from the start [ng panunungkulan] ng ating pangulo –almost 3 and a half years na, consistent na gusto ng tao ang laban sa ilegal na droga,” ani Gatchalian.
Aniya, sa halip na tanggalin ay mas magandang i-improve na lamang ito.
Totoo naman na mayroon pang room for improvement, saan ‘yon? Intelligence gathering dahil ako, ang analysis ko, dapat mas pursigido tayo sa paghuli ng drug lords, dahil ang drug lords talaga ang puno’t dulo nito,” ani Gatchalian. — sa panayam ng Ratsada Balita