Umapela si Senate Energy Committee Chair Sherwin Gatchalian sa mga kinauukulan partikular sa Local Government Units na payagan ang onsite meter readings sa mga lugar na naka-lockdown.
Ito ayon kay Gatchalian ay para matiyak ang tamang pag kuwenta ng bayarin sa kuryente ng mga consumer at huwag nang maulit ang naranasang bill shock nuong isang taon.
Binigyang diin ni Gatchalian na kung tama ang singil sa kuryente, walang dahilan para hindi bayaran ang nakunsumong kuryente.
Kasabay nito, nanawagan din si Gatchalian sa ERC na himukin ang iba pang distribution utilities na sumunod sa No Disconnection Policy ng Meralco habang nasa ECQ at MECQ ang mga nasasakupang lugar.