Inirekomendang kasuhan sa Sandiganbayan ang bagong panalong Senador Sherwin Gatchalian at 25 iba pa.
May nakita ring sapat na basehan ang Office of the Ombudsman para kasuhan rin sina dating Cong. Prospero Pichay bilang dating Chairman ng LWUA o Local Water Utilities Administration at iba pang mga opisyal ng ahensya.
Nag-ugat ito sa pagbili ng LWUA sa bangkong pag-aari ng mga Gatchalian, gamit ang pera ng pamahalaan sa kabila ng audit report na lugi na ang bangko mula pa noong 2005 hanggang sa mabenta ito noong 2009.
Sina Gatchalian, Pichay at iba pa ay lumabag di umano sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, tatlong kaso ng malversation at paglabag sa General Banking Law.
By Rianne Briones