Nanawagan ang isang consumer group sa Department of Health (DOH) na ipatigil na ang paggamit ng China-made rapid test kits.
Ayon sa Alliance for Consumers and Protection of Environment Inc. (ACAPE), ito’y dahil sa pagiging in-accurate ng resulta nito.
Sinabi ni Rhia Ceralde, tagapagsalita ng ACAPE, posible pang makapagdulot ito ng peligro sa mga Filipino dahil sa kwestiyonableng kaligtasan nito.
Naniniwala umano ang kanilang grupo na dapat pangalagaan ng gobyerno ang Filipino consumers laban sa paglaganap ng mga dipektibo o dispalenghadong test kits na gawa sa China.
Una rito, inihayag ni Dr. Gap Legaspi, Director ng UP-PGH na mababa ang accuracy rate o nasa 20% lamang ang natutukoy ng rapid antibody tests ng mga totoong nagpositibo sa COVID-19.