Sinimulan na ngayong araw ang paggamit sa local coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits na nilikha ng mga Pilipinong scientist mula sa Philippine Genome Center (PGC) at University of the Philippines-National Institute of Health (UP-NIH).
Ayon kay PCG Deputy Executive Raul Destura, unang ginamit ang nabanggit na gawang Pinoy na real time-polymerase chain reaction test kits sa laboratoryo ng UP-NIH.
Una na ring sumailalim sa ilang field testing ang gawang Pinoy na COVID-19 test kits bago ito inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).
Kaagapay ng UP-NIH at PGC sa paglikha ng nabanggit na test kit ang Manila Healthtek Incorporated na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).