Suportado ng Malakaniyang ang programa ng DENR na gawing mala-Boracay ang Manila Bay.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na beach enhancement lamang ang ginagawa ng DENR na hindi lamang pagpapaganda kundi para maiwasan din ang soil erosion at makatulong sa flood control dahil naglagay aniya ng mga tubo na mayruong buhangin sa perimeter.
Tiyak aniyang mag e-enjoy ang mga residente ng Maynila sa nasabing proyekto kahit pa mayruong restrictions dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Idinipensa pa ni Roque ang DENR sa paggamit nang durog na dolomite rocks mula sa Cebu na dumaan sa tamang assessment dahil alam ng ahensya ang dapat gawin lalo nat ito ang nag-aprub ng environmental impact assessment at maging impact studies.