Itinutulak ng isang mambabatas na gawing mandatory ang pagkakaroon ng bank account ng bawat Pilipino.
Sa ganitong paraan, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, ay mapapabilis at magiging episyente ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno sa hinaharap.
Giit ni Gatchalian, dahil sa national ID system ay dapat na ring ikonsidera bilang basic requirement sa lahat ng mga Pinoy ang pagbubukas ng bank account anuman ang katayuan nito sa lipunan.