Inaprubahan na ng pinamakamataas na korte sa Colombia ang gay marriage.
Sa botong anim kontra tatlo, ibinasura ng mga mahistrado ng korte ang ruling na nagsasabing ang kasal ay para lamang sa mga babae at lalake.
Isinatanbi rin ng mga mahistrado ang ruling na nagsasabing ang Kongreso lamang at hindi ang korte ang puedeng mag-desisyon sa same sex marriage.
Ang Colombia ang ika-apat na bansa sa South America na nag-legalize sa same sex marriage.
By Len Aguirre
Photo Credit: AP