Tinatanggap na rin ang mobile wallet na Gcash sa ilang Asian countries gaya ng South South Korea, Japan, Singapore at Malaysia.
Ayon sa Gcash, kailangan lamang hanapin ng mga users ang mga establisyimentong may in-store display ng Alipay+ sign.
Para sa magtutungo sa South Korea, maaaring magamit ng mga user ang naturang e-wallet sa mga partner establishment nito sa Myeong-Dong, Dong Dae Moon, Hong Dae, Itaewon, at Seoul Namsan Tower.
Para naman sa mga babiyahe sa Malaysia, pwedeng magamit ang Gcash sa mga convenience store gaya ng KK Mart at Happy Mart, gayundin sa Tealive, Dunkin Donut, at Bake with Yen.
At sa mga pupunta sa Japan, magagamit ang naturang e-wallet app sa ilang retail at food merchants sa ilang piling siyudad gaya ng Shibuya, Asakusa, Shinjuku, at Odaiba.