Tuluyan nang pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na General Community Quarantine classification sa Metro Manila at sa 7 pang lugar hanggang sa katapusan ng Enero ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa NCR o National Capital Region, extended din ang GCQ sa Santiago City, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Lanao del Sur, Davao City, at Davao del Norte.
Nasa ilalim naman ng Modified General Community Quarantine ang iba pang lugar sa bansa.
Sinasabing ang pagpapalawig ng quarantine qualifications sa ilang lugar sa bansa ay ginawa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.