Mananatili pa rin sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address.
Maliban sa Metro Manila, sinabi ng Pangulo na nakasailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Zamboanga City.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga barangay na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
Kasunod nito, magsasagawa din ang gobyerno ng massive targeted testing.
Magugunitang nagkasundo ang mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na manatili ito sa GCQ.
Samantala sa kaparehong anunsyo ng Pangulo, sinabi nito na ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay sasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).