Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila hanggang sa Enero 31 ng susunod na taon.
Sa kanyang ulat sa bayan kagabi, binanggit din ng Pangulo ang siyam pang mga lugar sa bansa na isasailalim din sa GCQ sa loob ng 1 buwan, epektibo simula sa Biyernes, January 1.
Kabilang aniya rito ang Isabela kasama ang Santiago City, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao Del Sur, Iligan City sa Lanao Del Norte, Davao City at Davao Del Norte.
Habang nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) naman ang mga nalalabing lugar sa bansa.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari pang umapela ang lokal na pamahalaang nakasasakop sa mga lugar na isinailalim sa GCQ.