Kailangan pa ring magdoble kayod ng pamahalaan para masusing pag-aralan, obserbahan at tutukan ang mga epekto ng COVID-19 upang mapababa ang naitatalang kaso nito sa bansa.
Inihayag iyan sa DWIZ ni Prof. Guido David ng University of the Philippines (UP-OCTA) research team kasunod ng nakikita nilang flattening of the curve o pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 kahit lumuwag na ang ipinatutupad na community quarantine.
Ayon kay Prof. David, kung magpapadalos-dalos aniya ang gobyerno sa kanilang pagtugon sa COVID-19, hindi aniya malabong sumipang muli ang maitatalang bagong kaso nito.
Kung sakaling magka-surge ulit ay mabantayan natin at maagapan agad bago lumala kasi yung nangyari nung June parang hindi natin na-control agad yung surge, kaya nung 200 cases pagadating nung August nasa 4,00 cases na tayo. Ang bilis dumami kapag nagkaroon ng surge kaya dapat talagang bantayan natin yan para hindi tayo magkaroon ng surge ulit. Ang gusto natin ma-maintain yung trend pero kailangang patuloy pa din nating gawin yung mga ginagawa natin para tuluyan na ma-solve ‘tong pandemic para matalo natin ‘tong virus na kalaban natin.,” ani David.
Dagdag pa ni Prof. David, dapat munang manatili sa general community quarantine o gcq ang metro manila at ang mga karatig lalawigan nito lalo’t puno pa rin ang mga pagamutan dahil sa COVID-19 patients. — panayam mula sa Balitang 882.