Itinuturing na magandang rason ni Senador Manny Pacquiao ang kinakaharap na kontrobersya sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para ibalik ang death penatly sa bansa.
Ayon kay Pacquiao, mas tamang ibalik ang parusang kamatayan sa halip na palayain ang mga bilanggo na convicted sa heinous crime dahil lamang may magandang record ang mga ito sa loob ng piitan na nasa ilalim ng GCTA law.
Giit ni Pacquiao dapat ay limitahan lamang sa magagaang kaso ang sakop ng GCTA habang ang mga bilanggong nakagawa ng karumaldumal na krimen ay ilinya sa death row.
Una rito, pinayuhan ng Senador si BuCor Chief Nicanor Faeldon na magbakasyon muna habang ini-imbistigahan ang pagpapalaya sa mga bilanngong sentensyado sa karumal-dumal na krimen sa pamamagitan ng GCTA.