Pinag-iingat ng CHR o Commission on Human Rights ang mga mambabatas sa paghahain at pagpapasa ng mga batas
Ito’y ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia ay bilang reaksyon sa planong pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa bisa ng GCTA o Good Conduct Time Allowance Law
Iginiit ni De Guia na dapat mapalaya lamang sa ilalim ng nasabing batas ang mga presong nagpakita ng taos sa pusong pagsisisi at pagbabagong buhay sa loob ng piitan
Mangangahulugan aniyang walang silbi ang hustisya sa pilipinas kung hindi masusunod ang mga probisyon sa nasabing batas