Pinatunayan ng isang preso na mayroon ngang ‘Good Conduct Time allowance (GCTA) for sale’ na nangyayari sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor).
Sa pagdinig ng senado kahapon, humarap ang asawa ng testigong si Yolanda Camelon na nahaharap sa apat (4) na taong sentensya.
Ayon sa presong si Godfrey Gamboa, pagpasok pa lamang niya sa bilibid ay naririnig na niya ang ‘GCTA for sale’
Bukod aniya sa bayaran para sa kalayaan, binabayaraan din umano para makapagpasok ng cellphone, TV, at iba pang gadget at appliances sa loob ng bilibid.