Wala nang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy pa ang implementasyon ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GTCA) law.
Kasunod na rin ito ng batikos sa Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagkakalaya ng mga bilanggo na may karumal -dumal na krimen dahil sa GCTA law.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na inatasan na ng pangulo ang Department of Justice (DOJ) na pag aralan ang posibilidad na maarestong muli ang halos 2,000 bilanggo na nakalaya dahil sa GCTA law.
Tiniyak ni Panelo na kailanman ay hindi kukunsintihin ng pangulo ang mga maling gawa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Nilinaw pa ni Panelo na ang administrasyon ng dating Pangulong Benigno Aquino III ang bumabalangkas sa GCTA law at hindi sa pamumuno ng Pangulong Duterte.
With report from Jopel Pelenio (Patrol 17)