Isinasapinal na ng Department of Justice (DOJ) ang universal manual para sa good conduct time allowance (GCTA), matapos ang mahigit isang taon mag mula nang maging kontrobersiyal ito.
Ayon kay Justice Secretary Mark Perete, tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang video conference para sa mapabilis ang pagtapos sa guidelines para sa GCTA.
Gayunman iginiit ni Perete na bagama’t nakabinbin pa ito, kanila na ring minamadali ang pagpapalaya sa mga presong matatanda at may malubha nang karamdaman bilang bahagi ng humanitarian reason.
Una na ring inatasan ng DOJ ang Bureau of Corrections at board of pardons and parole na madaliin ang pagpapalaya o pagbibigay ng executive clemency sa matatanda at may sakit nang mga preso.
Magugunitang, naging kontrobersiyal ang pagpapatupad ng expanded GCTA law noong nakaraang taon matapos mabenipisyuhan nito ang ilang mga nasentensiyahan sa mga karumaldumal na krimen.