Rumehistro sa 6.4 % ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 4th quarter ng 2019.
Ipinabatid ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang services sector ang nakapag ambag ng malaki sa paglago ng ekonomiya.
Bigo naman ang gobyerno na makamit ang target growth rate sa buong taon ng 2019 na 6% hanggang 6.5% at sa halip ay nakapagtala lamang ng 5.9% na growth rate para sa nakalipas na taon.
Sinabi ng NEDA na ito ang pinakamabagal na growth rate sa nakalipas na walong taon.