Posibleng lumago pa sa average na 5.8% mula sa naunang naitala na 4.7% ang Gross Domestic Product ng bansa sa susunod na taon at posible pa itong umangat sa taong 2023.
Ayon sa World Bank, kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ay mabilis na makakarekober ang household consumption, maging ang mga remittances kahit pa nasa gitna ng pandemiya.
Mas bubuti din ang kita dahil mas maraming tao ang magkakaroon ng trabaho sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Tiwala naman ang World Bank na muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa matapos lumagapak bunsod ng banta ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero