Tumaas sa 6.9 percent ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas para sa ikatlong bahagi ng taon.
Mas mataas ito kumpara sa 6.7 GDP na naitala noong second quarter.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, malaki ang naitulong ng government spending lalo na sa programang pang -imprastraktura ng pamahalaan na “Build, Build, Build’.
“Our net exports grew very fast during the third quarter, and improvement in public spending which then boosted the manufacturing sector and the services sector.” Pahayag ni Pernia
Dahil dito, kumpiyansa si Pernia na maabot ng bansa ang target nitong 6.5 hanggang 7.5 na full year GDP.
Idinagdag din na tumaas ang Foreign Direct Investment o FDI sa Pilipinas mula Enero hanggang Setyembre at inaasahang mapapantayan nito ang mga numero noong nakaraang taon.
Ayon kay Pernia, ang Pilipinas ang ikalawang ‘fastest-growing economy’ sa Asya, kasunod ng Vietnam.
LOOK: #PHGDP grows 6.9% in Q3 2017, likely to rank second in Asia, next to Vietnam’s 7.5% and ahead of China’s 6.8% and Indonesia’s 5.1% pic.twitter.com/C3OaMjtWCE
— NEDA (@NEDAhq) November 16, 2017
—-