Lumago ang ekonomiya sa bansa nitong ikatlong bahagi ng taong 2019.
Batay sa datos ni inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumipa sa 6.2% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa —mas malago ito kumpara sa naitalang GDP noong ikalawang bahagi ng 2019 na 5.5% at 6.0% naman sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, 2018.
JUST IN: GDP growth o paglago ng ekonomiya, sumipa sa 6.2 percent nitong 3rd quarter ng 2019 | via @PSAgovph https://t.co/hZn8oqpmkV
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 7, 2019
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang malaking public spending ang naging pangunahing nakapag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Dagdag pa nito, ang malaking public spending ay bunsod ng pagpapatupad ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr).