Itinaas pa ng International Monetary Fund ang growth forecast ng Gross Domestic Product ng Pilipinas sa 2022 sa 6.7%.
Mula ito sa orihinal na target na 6.5% sa kabila ng inaasahang pagbaba sa ikalawang kwarter ng taon.
Ayon kay IMF resident Representative Ragnar Gudmundsson, ibinase ang forecast sa July 2022 World Economic Outlook kung saan nakita ang malakas na recovery momentum ng bansa.
Sa unang kwarter ng 2022, bumalik sa pre-pandemic level ang GDP ng Pilipinas at inaasahang bubuti pa sa second half ng 2022 at 2023.
Ang GDP ay tumutukoy sa kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa sa kada kwarter ng taon.