Itinanggi ni Gelli de Belen na hiwalay na sila ng asawang si Ariel Rivera.
Ayon kay Gelli, maging ang asawang si Ariel ay nagulat nang lumabas ang naturang tsismis.
Nilinaw ni Gelli na wala silang problema mag-asawa at sa katunayan ay hindi nga aniya sila nag-aaway ni Ariel.
Natuwa naman si Gelli na marami ang concerned sa pagsasama nila ni Ariel .
Matatandaang 18 taon na ring kasal sina Gelli at Ariel.
By: Ralph Obina