Masisilayan mamayang gabi ang shooting stars na nagmula sa mga constellation ng gemini na nagsimula noong December 4 at magtatapos hanggang December 17.
Ayon sa PAGASA, 40 meteors kada oras ang makikita sa kanyang peak activity mamayang gabi hanggang madaling araw bukas.
Matapos ang peak activity, ang mga meteors o falling stars ay makikita ang average rate na 40 meteors per hour na tatawaging geminids shower na isa sa pinakamagandang meteor show ng taon.
Sinabi ng PAGASA na kakaiba ang geminidis shower mula sa ibang meteor showers dahil ito ay hindi mula sa comet subalit galing sa asteroids na makikita ng mga ordinaryong tao sa kalawakan.
By Judith Larino