Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na dinidiktahan o nag ma-micro manage sa PNP si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, hindi niya nakikitang pangingi-alam sa proseso ng PNP ang kautusan ni Pangulong Duterte na ilipat si Chief Inspector Jovie Espenido mula Ozamiz City police office patungong Iloilo City.
Paliwanag ni Dela Rosa, sadyang gigil lang aniya ang Pangulo na tapusin na ang iligal na droga kaya maging ang pagtatalaga kay Espenido ay dinesesyunan na nito.
Matatandaang sinabi ni Dela Rosa kahapon na kung siya ang masusunod ay hindi niya aalisin si Espenido sa Ozamiz City PNP.