Walang balak si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na makipag-away kay Senate President Koko Pimentel.
Ito’y matapos kwestyunin ng senador ang peace and order sa bansa, dahil sa mga sunod-sunod na serye ng pagpatay ng riding in tandem.
Ayon kay Dela Rosa, mas maiging tanungin na lamang ng senador ang mga ordinaryong tao upang malaman ang totoong sitwasyon ng seguridad
Giit pa ni Bato, hindi naman nila kayang basahin ang utak ng mga tao na gagawa ng masama.
Pero tinitiyak naman aniya nila na kung hindi man mapigilan ang krimen, agad nilang maaaresto ang mga suspek nito.