Dapat parin salaing mabuti ng Commission on Appointments o CA si Retired General Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay Congressman Sherwin Tugna, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, dapat ring maging metikoloso ang CA sa kwalipikasyon ni Cimatu para pangasiwaan ang DENR tulad ng ginawa nila kay dating DENR Secretary Gina Lopez.
Matatandaan na isa sa mga dahilan ng pagtutol ng ilang environmental groups kay Cimatu ay ang kawalan nito ng karanasan pagdating sa pangangalaga sa kalikasan.
Kwalipikasyon rin ang ginawang dahilan ng CA kaya’t ibinasura nila ang nominasyon ni Lopez bilang DENR Secretary.
By Len Aguirre