Lumutang sa tanggapan ng National Police Commission o NAPOLCOM ang isa sa tatlong ranking police officials na isinasangkot sa iligal na droga.
Naghain ng counter-affidavit si dating Quezon City police district director chief Supt. Edgardo Tinio kung saan itinanggi nito ang akusasyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor siya ng illegal drug syndicates.
Iginiit pa ni Tinio na sa ilalim ng kanyang pamumuno sa QCPD, umaabot sa 7,538 ang naarestong wanted personalities kasama na ang 1,656 local at foreign drug personalities.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Tino ay serious neglect of duty, serious irregularity at conduct unbecoming of a police officer.
By: Meann Tanbio